Nilalaman

Listahan ngbooks

Books

Nagkatawang Tao ba ang Poong Maykapal?

Nagkatawang Tao ba ang Poong Maykapal?

Nagkatawang tao ba ang Poong Maykapal? Kung pag-uusapan ang tumpak na katuwiran, ang kasagutan ay hindi sapagkat ang konsepto ukol sa Poong Maykapal na nagkatawang tao ay sumasalungat sa payak na kahulugan ng salitang “ Poong Maykapal” Ang kasagutan ng pangkaraniwang tao ay sinasabing ang Poong Maykapal ay .magagawa ang lahat ng mga bagay; anoman ang nais Niyang gawin, ay magagawa Niya.

Ang Limang Haligi ng Islam

Ang Limang Haligi ng Islam

Ito ang kasunduang namamagitan sa tao bilang alipin ng Allah at ang Allah bilang Tanging Panginoon ng tao. Ang kasunduang ito ay nangangailangan ng ganap na katapatan sapagka’t ito ay kinapapalooban ng mga alintuntunin na dapat isagawa.

Ang mga Pangunahing Batayan ng Islam

Ang mga Pangunahing Batayan ng Islam

Ang relihiyong Islam ay isang pangkalahatang mensahe na batay sa prinsipyo (Aqeedah) ng Pagkilala at Pagsamba nang tuwiran sa Tanging Isang Tunay na Diyos (Allah). Ang Islam ay hindi nagbibigay ng pagtatangi-tangi sa mga tagasunod (mananampalataya) nito maging ang kulay ay itim, puti, o ang lahi ay Arabo at di-Arabo.

AS-SALAH (Ang Pagdarasal sa Islam)

AS-SALAH (Ang Pagdarasal sa Islam)

Ang pagsagawa ng mga itinakdang tungkulin ng Ibadah (pagsamba) ay nagbibigay lakas sa Eeman (pananalig) upang ito ay maging kapaki-pakinabang at mabisa sa buhay ng tao. Kaya naman, ang Ibadah ay isang bagay na nagbibigay ng tiyak na bunga. Ito ay isang paraan upang ang mga mananampalataya ay makapaglingkod sa Allah at maging mabuti sa kanyang kapwa..........

Sino ang Dapat Sambahin?

Sino ang Dapat Sambahin?

Ang Pagsamba sa Nag-iisang Diyos na Tagapaglikha ang siyang UNANG KAUTUSAN na nakatala sa mga Banal na Kasulatang ipinahayag Niya sa Sangkatauhan. Ang Suhuf (Kalatas ni Abraham), ang Zabur (Psalmo ni David), ang Tawrah (Torah ni Moises), ang Injeel (Ebanghelyo ni Hesus) at ang Qur’an na ipinahayag kay Muhammad – lahat ay tila isang tanikalang gumagapos sa iisang hugpong na mensahe – “O, Sangkatauhan! sambahin ninyo ang inyong Diyos na Lumikha sa inyo!”

Bilang Muslim, Kami Ay Naniniwala Kay Hesus

Bilang Muslim, Kami Ay Naniniwala Kay Hesus

Ang maikling paglalahad na ito ay tinangka upang bigyang daan ang magandang ugnayan ng Muslim at Kristiyano sa larangan ng relihiyon. Ang Islam at ang Kristiyanismo ay kapwa naniniwala sa nag-iisang Diyos at mga Propeta. Ang tanging kaibahan ay nakasalig sa katauhan ni Hesus.

Ang Babae sa Islam

Ang Babae sa Islam

Nais kong ibahagi sa inyo ang ilang bagay na aking natutunan habang isinasalin ko ang munting aklat na ito. Naniniwala ako na bagama’t maraming aklat na ang naisulat tungkol sa paksang nauukol sa mga kababaihan sa ilalim ng Relihiyong Islam na tumatalakay sa karapatan, edukasyon, pamana at iba pa, nadarama ko na ang aklat na ito ay makapagbibigay ng isang malawak at kabuuang paliwanag ng lahat ng paksang may kaugnayan sa katayuan ng mga babae sa Relihiyong Islam.

Ang Aklat na Ito ay Para Saiyo

Ang Aklat na Ito ay Para Saiyo

Inihanda ang lathalaing ito upang ibigay ang pangunahing mensahe ng Islam lalung-lalo na sa mga di-Muslim na may maling haka-haka o impormasyon tungkol dito na sadyang lihis sa tunay na kahulugan o diwa ng Islam.

Islam, Bakit ko Ito Niyakap?

Islam, Bakit ko Ito Niyakap?

Ang mga kasaysayan ng ilang kababaihan natin na nagsikap makamit ang tunay na pananampalataya tungo sa kapayapaan. Nawa’y maging kapaki-pakinabang sa lahat ang aklat na ito.