Content of article
Ang pagsisisi ay nararapat gawin nang dahil sa pagmamahal sa Allah, sa pagdakila sa Kanya, sa paghahangad sa Kanyang gantimpala at kapatawaran, at sa takot sa Kanyang kaparusahan....
Ang Katapatan sa Allah
Ang pagsisisi ay nararapat gawin nang dahil sa pagmamahal sa Allah, sa pagdakila sa Kanya, sa paghahangad sa Kanyang gantimpala at kapatawaran, at sa takot sa Kanyang kaparusahan.
Ang pagsisisi ay hindi dapat gawin dahil sa hangaring mapalapit sa isang tao at sa hangaring humanap ng mga makamundong bagay.
Ang Allah ay nagpahayag
Maliban sa mga nagsisisi (mula sa pagkukunwari), gumagawa ng mga kabutihan, umaasa sa Allah, at pinadadalisay ang kanilang relihiyon para sa Allah (na walang ibang sinasamba maliban sa Kanya, at gumagawa ng kabutihan para sa Kanya lamang, hindi upang magpakitang-tao), magkagayon sila’y makakasama ng mga mananampalataya. At igagawad ng Allah ang malaking gantimpala sa mga mananampalataya
An-Nisaa-4:146
Ang Pag-iwas Mula sa Kasalanan Ang pagsisisi ay hindi magiging makatotohanan at katanggap-tanggap kapag ang isang tao ay patuloy pa rin sa paggawa ng mga kasalanan habang siya’y kasalukuyang nagsisisi. Sa kabilang banda, ang paggawa muli ng katulad na kasalanan matapos ng tapat na pagsisisi ay di-makapagwawalang bisa sa unang pagsisisi, subali’t kinakailangan niyang magsising muli.
Ang Pag-amin sa Kasalanan Walang sinuman ang makagagawang magsisi mula sa mga bagay na hindi niya itinuturing na kasalanan.
Ang (Damdaming Ng) Pagkalungkot sa mga Kasalanan
Ang pagsisisi ay maituturing na tapat lamang kapag ikinalulungkot ng tao ang kanyang nagawang kasalanan at dahil dito nakadarama siya ng labis na kalungkutan. Hindi tinatanggap ang pagsisisi ng isang taong ipinagyayabang ang kanyang mga kasalanan.
Dahil dito ang Propeta nagsabi
Ang labis na pagkalungkot ay pagsisisi.
Ahmad at ibn Majah
Ang Katatagang Hindi na Babalikang Muli ang Nagawang Kasalanan
Ang pagsisisi ay hindi tinatanggap mula sa isang taong may hangaring bumalik muli sa kasalanang pinagsisihan, bagkus marapat siyang magkaroon ng layuning huwag gawing muli ang naturang kasalanan sa darating na panahon.
Ang Pagsauli sa Tao ng Kanilang Karapatan
Kapag ang kasalanan ay may kaugnayan sa karapatan ng ibang tao, magkagayo’y dapat isauli ang kinuhang karapatang ito sa mga taong pinagkunan kung nais na ituwid ito (tama) at maging katanggap-tanggap ang pagsisisi.
Ang Propeta ay nagsabi:
Sinumang kumuha ng karapatan ng ibang tao, magkagayo’y hayaan niya ngayong maging malaya ang kanyang sarili mula rito bago dumating ang Araw na walang makukuhang pakinabang sa ginto at pilak. Kung ang isang tao ay may (dalang) mga gantimpala (sa Araw na iyon), kukunin mula sa kanyang mga gantimpala ang katumbas na sukat sa kanyang pang-aapi at ibibigay sa kanyang mga inapi. Kung wala na siyang mga gantimpala, magkagayo’y ang kasalanan ng kanyang mga inapi ang idadagdag sa kanya
Bukhaari
Ang Panahon na ang Pagsisisi ay Tinatanggap
Ang pagsisisi ay tinatanggap bago dumating ang mga sandali ng kamatayan at bago sumikat ang araw sa kanluran.
Ang Propeta ay nagsabi
Bukas-palad ang kamay ng Allah sa gabi (sa paraang naaayon sa Kanyang Kadakilaan) upang ang mga makasalanan sa umaga ay makapagsisi, at bukas-palad ang Kanyang Kamay sa umaga, upang ang mga makasalanan sa gabi ay makapagsisi, hanggang sa ang araw ay sumikat sa kanluran
Muslim
Siya rin ay nagsabi
Walang pagsisising tatanggapin sa sandali ng kamatayan
Ahmad at Tirmidhi