Nilalaman

Nilalaman ng Antas

Ang mga Pananalig ng mga Salaf AsSalih (Ng Mga Naunang Mabubuting Muslim)

Ang mga Pananalig ng mga Salaf AsSalih (Ng Mga Naunang Mabubuting Muslim)

articles

Ang paniniwala (at pananalig) na ang Allah(swt) ay Tanging Nag-iisang Diyos, maliban sa Kanya ay wala ng iba, ang Tanging Panginoong Makapangyarihan (As-Samadh) hindi Siya ipinanganak at hindi rin siya nagkaanak. Walang ibang dapat sambahin maliban sa Kanya. Sinuman ang nag-alay ng anumang gawang pagsamba bukod sa Allah(swt) ay tinataguriang isang Kafir (walang pananampalataya). Ang Ibadah (pagsamba) ay isang kahulugan na sumasaklaw sa lahat ng bagay na minamahal ng Allah(swt) sa salita man o sa gawa katulad ng limang haligi ng Islam, pagdalangin o pagdulog sa Kanya, pag-asa ng Kanyang Awa, pagkatakot sa Kanya, pagtitiwala sa Kanya, pagtupad sa mga pangako at panata at iba pang uri ng pagsamba. Ako ay nananalig na ang Allah(swt), ay malayo sa anumang kakulangan, at Siya(swt) ay Ganap sa lahat ng Katangiang Kanyang iniakibat o itinaguri sa Kanyang Sarili o itinaguri sa Kanya ni Propeta Muhammad. At Siya(swt) ay tinawag sa mga Banal na Pangalan na Kanyang ipinangalan sa Kanyang Sarili at Kanyang itinuro sa Kanyang Huling Sugo at Propeta na si Muhammad(sas). Ang Magagandang Pangalan at Ganap (Kasukdulang Antas) na Katangian ay tunay at makatotohanan at hindi ito mga talinhaga. Ang mga katangian ng Allah(swt) na kinabibilangan ng pagpapaimbabaw Niya(swt) sa Kanyang Trono, ay nangangahulugan na, Siya ay pumaimbabaw sa Trono na hindi binigyan ng paghahambing, pagkakatulad o pagkakahawig sa kaninumang nilikha. Ang Allah(swt) ay nagsabi: “Ang Mahabagin (Allah) ay pumaibabaw sa Kanyang Trono.” (Qur'an 20:5) Karagdagan nito, ang Salita ng Allah(swt) ay walang hanggan at hindi nalilikha na binibigkas sa iba’t ibang pagkakataon. Isinalaysay ng mga naunang mabubuting paham na Muslim na ang Allah(swt) ay ganap sa Katangiang Pananalita at Siya(swt) ay nagsasalita kung kailan Niya(swt) naisin. Sa Kanyang salita- itong Banal na Qur’an na narinig ng Anghel Jibril(as) mula sa Kanyang Panginoon ay tuwiran na walang namagitan at ipinanaog kay Propeta Muhammad(sas), sa titik at kahulugan para sa pagsasakatuparan ng lahat ng pagsamba at ito ay walang maitutulad (Ang Qur'an ay naglalaman ng mga Salita ng Allah(swt) na hindi matutularan ng sino pa man. Ang mga paganong Arabo ay hindi nakagawa ng kahit isang talatang katulad ng talata ng Banal na Qur'an.). Sa madaling salita, ang Banal na Qur’an ay hindi salita ng Anghel Jibril(as) o kaya ni Propeta Muhammadr kundi ito ay Salita ng Nag-iisang Diyos- ang Allah(swt) na Kanyang binigkas sa titik at tinig. Binigkas Niya(swt) ang Banal na Qur’an sa titik at tinig tulad ng pagkabigkas Niya(swt) ng salita nang panahong kausap Niya(swt) si Propeta Moises, nang ang huli ay lumapit sa isang puno: þ “Katotohanan, Ako ang iyong Panginoon. Kaya, iyong hubarin ang iyong sapatos; sapagka't ikaw ay nasa banal na lambak ng Tuwa.” (Qur'an 20:12) Maging sa Araw ng Pagkabuhay na muli, tatawagin ng Allah(swt) ang lahat ng Kanyang alipin (tao) sa isang tinig na mapakikinggan sa kalayuan at sa malapitan na nagsasabing: “Ako ang Hari. Ako ang Tagapagsingil.” Sa ganito ring paraan, ang Allah(swt) ay magsasalita sa Kanyang mga Sugo o Anghel o kahit kaninumang Kanyang naising makausap o di kaya ibaba sa kanila ang Kanyang mga Aklat ng Kapahayagan na naglalaman ng Kanyang mga Salita sapagka't ang Banal na Katangian Niya sa pananalita ay katulad din ng mga Katangian Niya(swt) na hindi nalilikha (uncreated). Katotohanan din na ang Allah(swt), Luwalhati sa Kanya, ay mayroon ding Katangian ng Pagmamahal, Kasiyahan, Pagkasuklam o Pagkamuhi, Pagbaba o Pagpanaog, Pagbibigay buhay at kamatayan, ang Kasiyahan Niya sa Kanyang aliping (taong) nagbabalik loob at nagsisi ng kasalanan at ang Allah(swt) na ganap na malayo sa anumang kakulangan, ay matatanaw ng mga mananampalataya at nananalig sa Kanya sa Araw ng Paghuhukom sa kanilang sariling mga mata. Ang mga Katangiang ito ay hindi mga talinhaga kundi tunay na totoo tulad ng pagpapatunay ng Banal na Qur’an at Sunnah. Ang Allah(swt) ay nagsabi: “Sabihin: Siya ang Allah, ay Tanging Nag-iisa. Ang (Allah ay) As-Samadh. Hindi Siya ipinanganak at hindi nagkaanak. At sa Kanya ay walang makatutulad (at makapapantay). (Qur'an112:1-4) Ito ang matatag na batayang aming pinanghahawakan at ibinabantayog bilang tanda ng pagsunod sa Allah, ang pagbibigay galang sa Kanyang mga Pangalan at Katangian na hindi mababanaag ang anumang pagkakahalintulad, pagkakahawig sa paggalang na angkop lamang sa kaninumang tao. Ang Allah (swt) ay nagsabi rin: }“…Walang anumang bagay ang katulad Niya; at Siya ang Lubos na Nakaririnig, ang Lubos na Nakakikita.” (Qur'an 42:11) Kami ay sumasaksi na si Muhammad(sas) ay Kanyang Alipin at Sugo sa sangkatauhan at maging sa mga Jinn, at siya ay nagpalaganap ng mensahe ng Islam. Binigyan niya ng katuparan ang kanyang tungkulin na ipinagkatiwala sa kanya, pinatnubayan niya ang kanyang mamamayan (Ummah) na may katapatan at nanatiling nakikipaglaban para sa Landas ng Allah hanggang binigyang kaganapan ng Allah(swt) ang relihiyong Islam sa pamamagitan niya. Ang Allah(swt) ay nagsabi mula sa Banal na Qur’an: “… Sa araw ng ito, Aking binigyang ganap ang inyong relihiyon para sa inyo, at Aking binuo para sa inyo ang lahat ng pagpapala, at pinili Ko ang Islam bilang inyong Deen (relihiyon at panuntunan ng buhay).” (Qur'an 5:3) At pagkaraan nito, binawian siya ng buhay ng Allah(swt) at pinagkaloob sa kanya ang pinakamataas na kalagayan sa Paraiso. Ang Sugo ng Allah(swt) ay lumisan sa mundong ito at maging sa kanyang mga mamamayan ay lilisan din. Walang sinuman ang magkakaroon ng ganap na pananamplataya (Iman) hanggang ang kanyang mga pagnanasa, adhikain ay hindi umaayon sa mensahe na pinalaganap ni Propeta Muhammad(sas) at hangga't hindi niya minamahal si Propeta Muhammad(sas) nang higit sa kanyang sarili, sa kanyang mga anak at sa lahat ng sangkatauhan. Ang pagmamahal sa Sugo ng Allah(swt) ay isang pagpapahiwatig ng pagsunod sa kanyang mga kautusan, ang paniniwala sa kanyang mga pahayag at pag-iwas sa lahat ng kanyang ipinagbabawal. Ito ay nangangahulugan din ng pagsamba sa Allah(swt) sa paraang kanyang ipinag-utos at sinang-ayunan. Ang Sugo ng Allah(sas) ay hindi dapat itaas, o bigyan ng labis na papuri nang higit sa antas na ipinagkaloob sa kanya ng Allah sa pamamagitan ng pagdalangin sa kanya o paghingi ng tulong mula sa kanya. Ang Sugo ng Allah(sas) ay nagsabi: “Ang (diwa ng) dalangin ay pagsamba.” (Abu Dawood at Tirmidhi) At sinabi rin niya: “Katotohanan, Hindi ako ang dapat hingan ng tulong; (kundi) sa Allah (kayo magsikhay ng tulong), Siya ang Nag-iisang dapat hingan ng tulong (o pagdamay).” Ang paghingi ng tulong mula sa Sugo ng Allah(sas) o kahit kaninumang mabuting tao ay katumbas ng (kasalanang) Shirk, isang gawang politeismo. Gayundin, ang pagdalangin sa iba bukod sa Allah(swt) upang makatanggap ng mga biyaya o makapag-alis ng mga masasama sa pamamagitan ng mga ito, pag-alay ng mga hayop para sa kanila, ay nagpapahiwatig ng pagbibigay katambal sa Allah(swt) kahit na ito ay kinabibilangan ng mga litanya o dasal. Ang mga ito ay itinuturing bilang isang uri ng Shirk at isang dahilan upang mapaligaw sa tamang landas. Ang mga gawaing ito ay walang mga batayan mula sa Allah(swt). Ang Allah(swt) ay nagsugo ng mga Propeta upang maiwasan at alisin ang ugat ng idolatriya at linisin ang puso mula sa kasalanang ito. Walang lakas at kapangyarihan maliban sa Allah(sas), ang Kataas-taasan, ang Dakila. Kami ay naniniwala (at nananalig) na ang mga Anghel at ang mga Banal na Kasulatan ay totoo, ang mga Propeta ay totoo, ang Pagkabuhay na muli pagkaraan ng kamatayan ay totoo. Ang Paraiso ay totoo at ang Impiyerno ay totoo. Kami ay naniniwala rin na ang Timbangan (Ito ang Timbangan na siyang batayan ng pagsusuri ng masama at mabuting gawa ng tao sa Araw ng Paghuhukom) ay totoo, at ang Hawdh (ay isang ilog ng Sugo ng Allahr. Ito ang ilog na kung saan ang mga mabubuting mananampalataya ay pagkakalooban ng inumin sa Araw ng Paghuhukom. Ito ay tinatawag ding “Al Kawthar”) ng Propeta Muhammad(sas) ay totoo; sinuman ang uminom mula rito ay hindi makararanas ng pagkauhaw. Subali’t pagkakaitan mula rito ang mga Apostates (nagtakwil at tumalikod sa Islam pagkaraang nilang yakapin ito) at ang mga taong nagsagawa ng mga pagbabago sa relihiyon (Bi'daah). Kami ay naniniwala sa Qadar (kinahinatnan o kapalaran) maging mabuti o masama. Kami ay naniniwala na ang pamamagitan ni Propeta Muhammad(sas) at maging ang lahat ng mga Propeta at mga mabubuting tao ay totoo nguni't ito ay magaganap lamang kung pahintulutan ng Allah(swt). Siya ay nagsabi mula sa Banal na Qur’an: “… Sino ang makapamamagitan sa Kanya maliban Kanyang pahintulutan?…” (Qur'an 2:255) At Siya (Allah(swt)) ay nagsabi rin : “…‘Hindi sila makapamamagitan malibang siya ay kinalulugdan Niya …” (Qur'an 21:28) At ating Propeta(sas) ang siyang unang tagapamagitan at siya ang una na ang pamamagitan (intercession) ay tatanggapin. Mayroong natatanging pamamagitan na siya lamang ang pagkakalooban. Ang una rito ay ang tinatawag na Maqam Al Mahmoud o ang tinatawag na “Pinagkakapuring Antas” na ninanais din ng ibang mga Propeta at Sugo. Ang ikalawa ay ang pamamagitan (intercession) upang iahon ang kanyang tagasunod mula sa Impiyerno. Ang ikatlo ay ang pamamagitan ng pagpapalaya at pag-ahon ng kanyang mga tagasunod mula sa Impiyerno at ang pagpasok sa Paraiso pagkaraang sila ay maging malinis at mapatawad. Kami ay naniniwala na ang pinakamabuting henerasyon ay ang henerasyon ni Propeta Muhammad(sas) na naniwala sa kanya (i.e. ang kanyang mga kasamahan). At pagkaraan ay yaong mga sumunod sa kanila nang buong katapatan. Si Propeta Muhammad(sas) ay nagsabi: “Ang pinakamabuting henerasyon ay ang aking henerasyon, pagkaraan ay ang kanilang mga tagasunod, pagkaraan ay ang mga sumunod naman sa kanila.” Kami ay nananampalataya (at nananalig) na ang pinakamahusay (pinakamabuti) na salita ay ang Salita ng Allah(swt), ang pinakamabuting patnubay ay ang patnubay ni Propeta Muhammad(sas), na ang pinakamasamang bagay ay ang mga pagbabago sa gawaing pangrelihiyon, at ang bawa't pagbabago ay (tanda ng) pagkaligaw. Kung hindi lamang sa pangamba ng kahabaan nitong pagpapaliwanag, mailalarawan namin ang mga patunay ng bawa't katanungan mula sa Banal na Qur’an at Sunnah ni Propeta Muhammad(sas) at maging sa mga pinagkaisang pasiya (Ijma) ng mga naunang mabubuti at paham na Muslim. Nawa’y patnubayan tayo ng Makapangyarihang Allah(swt) sa tuwid na landas sa lahat ng ating mga gawa at salita. Nawa'y pangalagaan tayo mula sa mga pagsubok na nakapagpapaligaw, maging lantad man o nakakubli. Tayo ay dumalangin sa Allah(swt) na ipagkaloob sa atin ang katatagan sa pagsunod sa Islam at tulutan Niyang(swt) tayo ay mamatay sa kalagayang Islam. Nawa’y ang kapayapaan at pagpapala ng Allah(swt) ay ipagkaloob Niya(swt) sa ating minamahal na Propeta Muhammad(sas) at sa kanyang pamilya.

Ano ang mga Palatandaan na ang Pagsisisi ay Tinanggap?

Ano ang mga Palatandaan na ang Pagsisisi ay Tinanggap?

articles

Ang pagiging maingat sa mga kilos ng mga bahagi ng katawan. Marapat na pangalagaan ang dila sa pagsisinungaling, paninirang-puri at panlilibak. Marapat na gawing abala ang sarili sa pag-alaala at pagbanggit sa Pangalan ng Allah at pagbigkas ng Qur’an....

Ang Kahalagahan ng Pagpapahayag ng Pananampalataya

Ang Kahalagahan ng Pagpapahayag ng Pananampalataya

articles

Ito ay may dakilang kahalagahan sa pagitan ng Allah. Sinuman ang magsabi nito ng may katotohanan ay makapapasok sa Paraiso at sinumang magsabi nito nang walang katotohanan, ang kanyang kayamanan at dugo ay maliligtas dito lamang sa mundong ito, subali't ang kanyang huling pagsusulit ay sa Allah – ang Makapangyarihan. Ito ay isang pagpapahayag na may katiyakan na naglalaman ng ilang mga titik, na sadyang magaan sa dila subali't may kabigatan sa timbangan. Ito ay iniulat ni Ibn Hibbaan, gayundin ni Al-Haakim na nagsabing ito ay makatotohan [saheeh], mula kay Abu Sa'eed Al-Khudree [nawa'y kalugdan siya ng Allah], na ang Sugo(sas) ng Allah ay nagwika: "Si Moises ay nagsabi: O aking Panginoon! Turuan Mo po ako ng isang bagay kung papaano ako mananalangin at mag-aalaala sa Iyo. Ang Allah ay nagsabi: O Moises! Sambitin ang La Ilaaha Illalaah. Si Moises ay nagsabi: O aking Panginoon! Ang lahat ng iyong mga alipin ay nagsabi nito. Sinabing muli ng Allah: O Moises! Kung ang pitong mga kalangitan at ang lahat ng nasa loob nito, maliban sa Akin, at ang pitong mga kalupaan ay ilalagay sa isang timbangan, at ang La Ilaaha Illalaah ay ilalagay sa kabila, magkagayon, ang La Ilaaha Illalaah ay higit na matimbang kaysa sa lahat ng ito." (Ibn Hibbaan sa kanyang Saheeh [bilang 2324] at ni Al-Haakim sa Al-Mustadrak [1/528]) Ang hadeeth na ito ay nagpapatunay lamang na ang mga katagang La Ilaaha Illalaah ang pinakamainam na pag-aalaala sa Allah, na nabanggit din sa ibang hadeeth na iniulat ni 'Abdullah ibn Umar: "Ang pinakamainam na panalangin ay ang panalangin sa araw ng Arafat, at ang pinakamainam sa akin, o ng iba pang mga naunang mga Propeta sa akin, ay nagsabing: Walang ibang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allah, ang Nag-iisa, ng walang katambal. Sa Kanya lamang nauukol ang kamaharlikaan, at sa Kanya lamang nauukol ang lahat ng papuri, at Siya ay may kapangyarihan sa lahat ng bagay." (Hasan: Ang katotohanan ay napatunayan [p.12]) Ang iba pang karagdagang patunay kung saan ang bigat ng mga katagang ito [kalimah] sa timbangan sa Araw ng Paghuhukom ay matutunghayan sa ulat ni At-Tirmidhee at gayundin sa ulat nina An-Nasaa'ee at Al-Haakim na sinangayunan naman ni Muslim – mula kay Abdullah ibn 'Amr na sinabi ni Propeta Muhammad(sas): "Ang tao mula sa aking pamayanan [ummah] ay tatanungin sa harapan ng bawa't isa sa Araw ng Paghuhukom. Siyamnaput-siyam na talaan ang ipakikita sa kanya, bawa't talaang ito ay masasaksihan ng bawa't mata na maaaring umabot sa pagtanaw dito. Pagkatapos ay sasabihin: Itinatatwa mo ba ang alinman sa mga ito [ang iyong masasamang ginawa]? Kaya't ang tao ay sasagot: Hindi, O aking Panginoon. At muling sasabihin: Mayroon ka bang anumang dahilan o kaya'y anumang mabuting ginawa? Ang tao, na sa kanyang kalagayan ay tigib nang takot ay sasagot: Wala. At muling sasabihin: Bagkus, mayroon ka bang ilang mabubuting ginawa, at walang di-makatarungang bagay ang mangyayari sa kanya sa Araw na yaon. Kaya't ang (darangan [parcment]) ay ilalayo sa kanya, kapag mayroong nagpahayag ng La Ilaaha Illalaah at nagpahayag na si Muhammad ay Alipin at Sugo ng Allah. Ang tao ay magsasabi: O Panginoon, ano itong darangan kung ikukumpara doon sa mga talaan [scrolls]! Ito ay sasabihin sa kanya: Walang di-makatarungan ang maaaring mangyari sa iyo. At ang mga talaan ay ilalagay sa isang bahagi ng timbangan at ang darangan ay sa isa; ang mga talaan ay magiging magaan sa timbangan, samantalang ang darangan ay magiging mabigat." (Saheeh: Iniulat ni At-Tirmidhee [bilang 2641] mula kay Abdullah ibn 'Amr [nawa'y kalugdan siya ng Allah]. Ito ay pinatunayang Saheeh ni Sheihk Al-Albaanee sa As-Saheehah [bilang 135]) Katunayan, ang pagpapahayag na ito ay maraming taglay na kahalagahan [kalimah], ang ilan dito ay nabanggit ni Haafidh Ibn Rajab sa kanyang maikling salaysay na pinamagatang Kalimatul-Ikhlas. Tunghayan natin ang ilan sa mga nabanggit: · Ito ang gantimpalang makakamtan tungo sa Hardin ng Paraiso [Jannah] ng sinumang namatay na ang kanyang huling mga kataga ay La Ilaaha Illalaah. · Ito ang daan sa kaligtasan sa Apoy ng Impiyerno. · Ito ay mahalaga upang makamtan ang kapatawaran. · Ito ay naglilinis ng mga kasalanan. · Ito ay nagpapayabong ng pananampalataya [Eeman] na nakatanim sa puso. · Ito ay nakapag-aalis sa timbangan ng mga nakatalang kasalanan. · Ito ay nakatutulong upang malampasan ang anumang hadlang hanggang makarating sa harapan ng Allah – ang Ganap na Makapangyarihan. · Ito ay isang pagpapahayag [Kalimah] na sinumang magsabi ay itinatanghal ng Allah bilang isang makatotohanan. · Ito ang pinakamainam na mga kataga sa lahat ng sinabi ng mga Sugo. · Ito ang pinakamainam sa lahat ng uri ng pag-aalaala, ang pinakamainam sa lahat ng mga gawain at ang isa sa may pinakamaraming biyaya na nakalaan. · Ito ay katumbas ng pagpapalaya ng mga alipin. · Ito ay pananggalang laban kay Satanas. · Ito ay makatutulong upang maging ligtas mula sa mga kadiliman sa libingan at mula sa pangamba sa pagtitipon [Al-Hashr]. · Ito ay isang mapagkakakilanlan bilang palatandaan ng mga mananampalataya kapag sila ay bumangon mula sa kanilang mga libingan. Ang lahat ng walong tarangkahan sa Paraiso ay magbubukas sa mga nagpapahayag nito at sila ay makapapasok saan man nila naisin. Kahit na ang isang nagpahayag nito ay pansamanatalang nanatili sa Impiyerno sanhi ng kanyang kakulangan na mapunan ang ilan sa kanyang mga karapatan, may katiyakan na ang taong ito ay hahanguin mula rito. Ito ang mga pangunahing punto ni Ibn Rajab na nabanggit sa kanyang maikling salaysay tungkol sa kahalagahan ng pagpapayahag [Kalimah], na may sapat na patunay sa bawa't isa.

Mga Biyaya ng Pag-aayuno

Mga Biyaya ng Pag-aayuno

articles

Bilang Muslim, dapat nating bigyan ng pansin ang ilang mahahalagang bagay hinggil sa itinakdang pag-aayuno tuwing buwan ng Ramadan upang malaman ang kahalagahan nito at ang mga biyayang makakamtan sa matapat na pagtupad nito .

Mensahe sa Nagsasagawa ng Hajj

Mensahe sa Nagsasagawa ng Hajj

articles

Sa aklat na ito ay napaloloob ang mga paalaala at payo para sa sinumang nagsasagawa ng Hajj o Umrah, at lalung-lalo na sa mga lugar na dapat nilang puntahan at hindi dapat.

Tungo sa Pang-unawa sa Islam at Muslim

Tungo sa Pang-unawa sa Islam at Muslim

books

Isang pagpapaliwanag tungkol sa pananampalatayang Islam, ang tungkol sa Allah, kung ano ang kahulugan ng Islam, at sino ang Muslim, at sino si Mohammad at iba pang may kaugnayan sa pananampalatayang Islam.

Gabay sa Hajj at Umrah

Gabay sa Hajj at Umrah

books

Isang Aklat sa wikang tagalong na nagpapaliwanag tungkol sa pamamaraan ng Hajj at Umrah nang kompleto, tunay na kanyang iniulat nang malinaw ang tungkol sa hajj at umrah, sanhi ng kahilingan ng mga kapatid na mga muslim lalung-lalo na ang mga balik-islam.

Bagong Muslim ako, Ano ang pag-aaralan ko?

Bagong Muslim ako, Ano ang pag-aaralan ko?

books

Isang aklat na nagpapaliwanag tungkol sa mga pangunahing dapat pag-aaralan ng bagong muslim, kabilang na dito ang Haligi ng Islam at Pananampalataya at gayundin, naipaliwanag nang malinaw dito ang tungkol sa pag-sasagawa ng wudu’ at Salah (dasal) nang may kasamang litrato.

MGA PINAGSAMANG MAPAKIKINABANGANG MABUTI

MGA PINAGSAMANG MAPAKIKINABANGANG MABUTI

books

Ikinagagalak ng Komite ng Edukasyon ng Shaykh Bin Baz Charity Foundation na ilatag sa pagitan ng mga kamay ng tagapag-basa ang naipong aklat na ito na pinangalanang 'Al-Majmu' al-Mufid al-Mumtaz Min Kutubi as-Shaykh Bin Baz' hinggil sa Aqidah, Salah, Zakah, Siyam, Hajj at mga Dhikr. At tunay naang mga nagsumikap sa paghahanda, pag-ipon at pag-aayos nito ay ang ilan sa mga kapatid. At tunayna ito ay naglalaman ng mga mabubuting-aral para sa babae at lalaking muslim sa relihiyon at mund

Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus

Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus

books

Isang munting aklat na nagpapahayag ng tunay na mensahe ni Cristo Jesus; pinatutunayan ang pagkatao ni Jesus at kailanman ay hindi maaaring maging Panginoon, matutunghayan sa aklat na ito kung ano ang katotohanan patungkol sa mga bersikulo ng bilbliya na madalas ginagamit ng mga Kristyano upang patunayan na si Jesus ay Diyos at sa huling bahagi nito ay ang paliwanag tungkol sa tunay na daan at katuruan ni Cristo.

Nadiyos’ Grasya

Nadiyos’ Grasya

books

Nasaksihan ng mga dekada kamakailan ang isang malawak na panlipunang pagbabago tungkol sa mga katangiang sumusukat sa katotohanan at mabuting uri. Sa kanilang mga tahanan at pagawaan hanggang sa mga sentrong pampamayanan at bulwagang pambayan, tinalakay ng ating mga ninuno ang mga paksang malalalim at mahahalaga, gaya ng mga kaasalang pulitikal, mabuting pag-uugaling panlipunan at ang mga makabuluhang hangganan ng siyensiya, mga batas at relihiyon.

Tunay na Pagsasaksi

Tunay na Pagsasaksi

books

Ang aklat na ito ay pinakahuli sa isang serye ng apat. Ang unang aklat sa seryeng ito, The Eighth Scroll, ay isang obra ng kathang-isip sa kasaysayan—isang nobela ng aksyon/pakikipagsapalarang naglalayong panabikin ang madla, at kasabay na ipanatag sila sa paksa ng hambingan sa relihiyon. Ang ikalawang aklat sa seryeng ito, The First and Final Commandment (mga lathalain ng Amana), ay muling naisulat at nahati sa dalawang tomo (kabuuan), NaDiyos’grasya (MisGod’ed) at NaDiyos’kubre (God’ed). Sa paglathala ng dalawang

PINAKAMAINAM NA BAON

PINAKAMAINAM NA BAON

books

Pinakamainam na Baon Tungo sa Araw na Patutunguhan, mga Gawain na hindi obligado, mula sa gabay ng pinakamainam na lingkod: Naglalaman ang Aklat na ito sa Dalawang Bahagi: Una: Mga Gawaing may Partikular na Benepisyo sa gumagawa nito sa mundo at sa Huling Araw Pangalawa: Mga Gawaing ang Pakinabang nito ay para sa gumawa nito at sa iba pa dito sa Mundo at sa Huling Araw.

Ang Tatlong Panuntunan

Ang Tatlong Panuntunan

books

Ang Tatlong Panuntunan; Pagtalakay sa mga Katanungan na Siyang Itatanong sa Libingan: Sino ang Diyos Mo, Sino ang Propeta Mo at Ano Ang Relihiyon MO?

Mga katangian ng Hajj at Umbrah

Mga katangian ng Hajj at Umbrah

books

Ang aklat na ito ay nagpapaliwanag ng katangian ng Hajj at Umbrah mula sa kanyang mga saligan at mga obigado nito upang mapag-aralan ng isang Muslim bago niya ito isinagawa.